Sen. Trillanes, kampante laban sa kinakaharap na ethics complaint

Manila, Philippines – Duda si Senator Antonio Trillanes IV na umaabot na 14 ang mga Senador na ang sumusuporta sa kinakaharap niyang ethics complaint na inihain ni Senator Richard Gordon.

Ayon kay Trillanes, masyado pang maaga para magbilang ng kakampi si Senator Gordon.

Paliwanag ni Trillanes, mahaba pa ang prosesong tatahakon ng ethics complaint.


Bukod sa tatalakayin pa itong ethics committee ay ipi-present din ito sa plenaryo para pagbotohan ng mga Senador.

Diin ni Trillanes, handa syang harapin ang reklamo kasabay ang pagiit na wala syang ginawang mali at unparliamentarily.

Facebook Comments