Sen. Trillanes, kinumpirmang nakipagkita sa ilang matataas na opisyal ng Amerika

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Sen. Antonio Trillanes IV na nakipagkita siya ilang matataas na opisyal ng gobyerno ng Estados Unidos kabilang si Sen. Marco Rubio.

Ayon sa Senador, gaya ng binanggit ni Rubio sa kanyang ‘tweet’, nag-usap sila tungkol sa pagpapaganda ng relasyon ng Pilipinas at Amerika, korapsyon at sitwasyon ng karapatan pantao o human rights sa bansa.

Pawang factual information o totoo lamang na impormasyon ang kanyang iprinisenta.


Giit ni Trillanes, hindi maloloko ang amerika lalo na’t alam din nila ang nangyayari sa Pilipinas.

Nilinaw din ni Trillanes, hindi niya tinangkang pigilan ang pagbisita ni
US President Donald Trump sa bansa dahil planado na ito at hindi na mapipigilan.

Facebook Comments