Sen. Trillanes, magsusumite ng mga dokumento sa Ombudsman ukol sa pagkakasangkot ni Vice Mayor Paolo Duterte sa drug smuggling

Manila, Philippines – Inihahanda na ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang report na isusumite sa Office of the Ombudsman na magpapatunay na sangkot sa drug smuggling si Presidential Son Vice Mayor Paolo Duterte at ang kinabibilangan nitong Davao group.

Ang hakbang ni Trillanes ay kasunod ng pagbuo ng Ombudsman ng fact-finding panel na mag-iimbestiga sa naipuslit na 6.4 billion pesos na shabu sa Bureau of Customs galing sa China.

Ayon kay Trillanes, ang kanyang report ay kapapalooban ng mga authenticated documents, mga transcripts at mga larawan na magpapatunay na may kinalaman talaga si Vice Mayor Pulong sa nabanggit na drug smuggling.


Tiwala si Trillanes na ang Ombudsman ay hindi magiging komite de abswelto katulad aniya ng blue ribbon committee na pilit pinagtatakpan ang pagkakasangkot sa mga anumalya sa Customs ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng kanyang anak na si Pulong.

Facebook Comments