Sen. Trillanes, may tugon sa planong Igorot ritual ni Imee Marcos

Manila, Philippines – Bukas si outgoing Senator Antonio Trillanes IV sa plano ni senator-elect Imee Marcos na magsagawa ng Igorot ritual sa kanyang opisina.

Matatandaang si Marcos ang susunod na mag-o-opisina sa kasalukuyang tanggapan ni Trillanes.

Ayon kay Trillanes kung ang ritwal ay makakatulong kay Marcos para magampanang mabuti ang kanyang mandatong maging senador ay mabuti sa kanya.


Pero giit ni Trillanes na kung ipinapahiwatig lamang nito na siya ay masamang tao ay isang ka-ipokritohan naman ito, maging sa mga Marcos.

Magtatapos ang termino ni Trillanes at mag-uumpisa ang termino ni Marcos sa June 30.

Facebook Comments