Manila, Philippines – Pinuna ni Senator Antonio Trillanes IV ang panonood lang ng Netflix ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang bahay sa Davao City.
Ito ay kasunod ng ipinadalang larawan ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat kung saan nanonood ang Pangulo ng Dyango Unchained.
Ayon kay Trillanes, hindi binoto si Duterte para mag-Netflix lang ng isang linggo.
Aniya, ipinakita lamang ng Pangulo kung gaano siya katamad na lider.
Kasabay nito, pumalag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pagtawag ni Trillanes na tamad ang Pangulo.
Gayunman, hindi na dapat aniya pinapatulan ang puna ni Trillanes dahil wala naman itong sinasabing maganda sa Pangulo.
Facebook Comments