Sen. Trillanes, posibleng “threatened” sa mga Duterte kaya itinutulak ang pakikipagsanib-pwersa sa Marcos administration —Sen. Dela Rosa

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na posibleng “threatened” na malakas pa rin ang mga Duterte kaya iminungkahi ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang pagsasanib-pwersa ng mga “yellow” at “pink” ng Liberal Party sa Marcos administration.

Ayon kay Dela Rosa, napakalakas pa rin sa mga tao ni dating Pangulong Rodrigo Duterte lalo na kung pagbabasehan ang mga survey at ang mga panawagan ng maraming Pilipino na nasa pinakaibaba.

Hindi maitanggi ng senador na posibleng banta kay Trillanes ang anunsyo ng pagbabalik sa gobyerno ng mga Duterte partikular na sa Senado.


Magkagayunman, hindi minamasama ni Dela Rosa ang pagbuo ng unity ticket ng kahit na sinong grupo laban sa mga Duterte.

Aniya, walang batas na nagbabawal sa kanila para bumuo ng unity ticket at hindi rin sila pwedeng pigilan kung ito man ang gustong gawin.

Facebook Comments