Manila, Philippines – Sinampahan ni Senador Antonio Trillanes IV sa Pasay City Prosecutor’s Office ng kasong libelo si Rey Joseph “RJ” Nieto na nasa likod ng Thinking Pinoy blog.
Ito ay kaugnay ng blog ni Nieto ukol sa umano’y pagtawag ni US President Donald Trump kay Trillanes bilang “little narco” at drug lord.
Bukod sa kasong paglabag sa CyberCrime Prevention Act of 2012, pinagbabayad din ng mambabatas si Nieto ng P1M bilang Moral Damages, P1M para sa Exemplary Damages at P250k sa Atty’s Fee.
Ayon sa mambabatas, wala sa US government websites on the presidential pronouncements and interviews at maituturing na fake news ang mga isinulat ni Nieto sa Thinking Pinoy blog.
Hindi naman na kakasuhan ni Trillanes ang mamamahayag na si Al Pedroche ng Philippine Star dahil humingi na ito paumanhin at umamin na fake news ang report ukol sa sinabi umano ni Trump laban kay Sen. Trillanes.