Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Senator Cynthia Villar na may pagkilos para iluklok siyang senate president sa 18th Congress.
Ayon kay Villar, hindi totoo ang sinabi ni Senator elect Imee Marcos na plano siyang ipalit kay Senate President Tito Sotto III.
Wala ring nakikitang dahilan si Villar para palitan si SP Sotto.
Diin ni Villar, ang pagpapalutang ng balita ukol sa pagsusulong na pamunuan niya ang Senado ay gawa-gawang istorya lang at natural lang din ang mga ganitong intriga sa pulitika.
Paglilinaw ni Villar, wala silang napag-uusapan tungkol sa senate presidency.
Sa pagkakaalam ni Villar, ang totoong isyu ngayon sa Senado ay ang paghahanap ng mga bagong halal na senador ng komite na kanilang pamumunuan.
Facebook Comments