Sen. Villar, nagbantang idedemanda ang PhilRice at si Sec. Piñol

Manila, Philippines – Nagbanta si Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar na idedemanda si Department of Agriculture o DA Secretary Manny Piñol at Philippine Rice Research Institute o PhilRise.

Ang plano ni villar ay sa oras na hindi masunod ang itinatakda ng Rice Competitiveness and Enhancement Fund o RCEF na gawing competitive o mas mahusay ang mga magsasaka para labanan ang imported na bigas.

Diin ni Villar, sa ilalim ng RCEF ay dapat ay turuan ng DA at PhilRice ang mga magsasaka na gumamit ng bagong teknolohiya sa pagtatanim ng inbred seeds.


Paliwanag ni Villar, kapag natupad ito ay aabot sa 50 percent ang itataas sa ani ng mga magsasaka kaya mas lalaki ang kanilang kikitain.

Pero sabi ni Villar, taliwas dito ang ginagawa ng DA na pumapayag sa pamamahagi ng PhilRice ng hybrid seeds na masyadong mahal.

Facebook Comments