Manila, Philippines – Hawak pa rin ni Senator Cynthia Villar ang pagiging pinakamayaman na senador sa pagkakaroon ng net worth o kabuuang yaman na P3.5-billion pesos.
Sumunod sa kanya sa yaman si Senator Manny Pacquiao na may net worth na mahigit 3-bilyong piso at ikatlo si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may net worth na mahigit 555-million pesos.
Base sa kanilang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ay pinakamahirap si Senator Leila De Lima na may net worth na mahigit 7.7-million pesos.
Si Senator Bong Revilla Jr., naman ang pinakamayaman sa hanay ng mga bagito at mga nagbalik Senado kung saan mayroon itong P164.2 million pesos na net worth.
Pangalawa sa kanya si Senator Pia Cayetano na may P82.3 million na net worth, pangatlo si Senator Lito Lapid na may yamang P69.9 million, pang apat Senator Francis Tolentino, P62.4 million pang lima si Senator Imee Marcos P29.9 million, sumunod sa kanya si Senator Ronald Dela Rosa na may P28.3 million habang ang pinakamahirap ay si Senator Christopher Bong Go na may P15.5 million pesos net worth.