Sen. Villar, nilinaw na hindi siya galit kay Sen. Pacquiao

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senator Cynthia Villar na hindi siya galit kay Senator Manny Pacquiao.

Ito ay may kaugnayan sa pagpapapirma nito sa resolusyon na nagpapakita ng suporta ng mga senador kay Senate President Tito Sotto III.

Ani Villar – pinapayuhan niya lang ito na ayusin ang kanyang mga kapartido bago atupagin ang pagpapapirma ng resolusyon.


Paliwanag ni Villar, hindi siya pumirma sa resolusyon dahil kailangan muna niyang kausapin ang kanyang mga kapartido sa Nationalista Party o NP na sina Senators-elect Imee Marcos at Pia Cayetano.

Iginiit din ni Villar na hindi totoo ang balita na lalabanan niya si Sotto sa pagiging senate president pagsapit ng 18th Congress.

Facebook Comments