Sen. Win Gatchalian, nababahala na magkatotoo ang teorya niyang nakalabas na ng bansa si suspended Mayor Alice Guo

Nababahala si Senator Sherwin Gatchalian sa posibilidad na magkatotoo ang kanyang teorya na nakalabas ng bansa si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Gatchalian, wala siyang personal na impormasyon kung nakalabas na ng bansa si Guo pero ang kanyang teorya ay posibleng buhay pa ang Chinese passport ng suspendidong alkalde tulad sa mga kapatid niya na aktibo pa rin hanggang ngayon ang mga Chinese passport.

Hindi aniya isinasantabi na gamitin ni Guo ang kanyang Chinese passport para makabalik ng China.


Aminado ang senador na matalino at tiyak na alam nito ang dapat na gawin dahil maaaring maisip ni Guo na mahuhuli rin siya sa kanyang pagsisinungaling.

Sa kabilang banda na may ganitong teorya si Gatchalian, tiwala siyang napipigilan ng mga otoridad ang tuluyang paglabas ng bansa ni Guo dahil batay sa record ng Immigration wala pang Alice Guo o Guo Hua Ping na nakakaalis ng Pilipinas.

Facebook Comments