Sen. Zubiri: 88% ng mga Pinoy na tutol sa Cha-Cha, ituring na “eye opener” sa mga nagsusulong nito

Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na “eye opener” ang resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan 88% ng mga Pinoy ay tutol na amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Zubiri, ito ang dahilan kaya pinag-aaralan nang mabuti at hindi minamadali ang pagtalakay sa economic Charter Change.

Sinabi pa ng Senate President na ito rin ang dahilan kaya magsasagawa pa rin ang Mataas na Kapulungan ng mga pagdinig sa Luzon, Visayas at Mindanao upang makita ang tunay na pulso ng mga mamamayan pagdating sa pag-amyenda ng Konstitusyon at para malaman na rin kung anong mga gagawing amyenda.


Ipinakikita aniya ng survey na ang pagtutulak sa Cha-Cha ay isang ‘unpopular move’ sa taumbayan dahil siyam sa bawat 10 mga Pilipino ay ayaw nito.

Ilan lamang aniya ito sa mga bagay na dapat timbanging mabuti at dapat na ikunsidera ng subcommittee on Constitutional Amendments at ng buong Senado.

Facebook Comments