Pinagsabihan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na pagbutihin ang pagpapatupad sa Ease of Doing Business Law.
Para kay Zubiri, sapat na ang kasalukuyang batas pero dapat ay ayusin ang implementasyon nito para maging epektibo.
Reaksyon ito ni Zubiri sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma-amyendahan ang Ease of Doing Business Law na layuning mapadali o mapabilis ang transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno para masawata ang katiwalian.
Sa budget hearing ng Senado ay nadismaya si Zubiri ng sabihin ni ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica na simula noong 2018 hanggang ngayon ay pito pa lang ang kanilang nakakasuhan kaugnay sa Ease of Doing Business Law mula sa halos 4,000 reklamo na kanilang natanggap.