Sen. Zubiri, nilinaw ang nangyaring pagtatalo kagabi kay Senator Alan Cayetano

Nagpaliwanag si Senator Migz Zubiri sa nangyari kagabi na girian sa pagitan nila ni Senator Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Zubiri, hindi sana mangyayari ang pagtatalo nila ni Cayetano kung nagkaroon muna sana ng caucus at konsultasyon sa mga senador dahil wala sa agenda ng sesyon ang pagpapatibay sa concurrent resolution.

Sinabi ng senador na mistulang nasa “limbo” at nasa dilim sila dahil walang ideya sa nangyayari kaya nauwi sila ni Cayetano sa sagutan.


Magkagayunman, sinabi ni Zubiri na natapos din agad ang hindi nila pagkakaunawaan ni Cayetano kung saan kapwa rin sila humingi ng paumanhin sa isa’t isa.

Aniya pa, nang ipaliwanag sa kanya na paghahayag lamang ng sentimyento ng Senado ang concurrent resolution para hindi ma-disenfranchise ang mga botante ng mga EMBO barangays ay sumang-ayon din naman siya rito.

Facebook Comments