Sen. Zubiri, umapela sa mga taga-ARMM na tumulong para sa ikatatagumpay ng Bangsamoro region

Panalangin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na maging maayos at mapayapa ang isinasagawang plebisito ngayon para sa pagpapatibay ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Bunsod nito ay umaapela si Senator Zubiri sa lahat ng mamamayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na bomoto para sa ikatatagumpay ng Bangsamoro autonomous region.

Diin ni Zubiri, mahalaga ang Bangsamoro region dahil sa otonomiyang taglay nito, mas solidong kapangyarihan sa pananalapi at ang parliamentary form of government na papairalin nito.


Ipinaliwanag ni Zubiri, na sa bubuuwing Bangsamoro region ay tiyak na may kinatawan ang mga kababaihan, kabataan at pati ang mga katutubo.

Facebook Comments