Senado, agad na pinakikilos ngayon ang DPWH para sa epekto ng Bagyong Enteng

Inatasan ni Senate Committee on Public Works Chairman Ramon Bong Revilla Jr., ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad rumesponde sa epekto ng paghagupit ng Bagyong Enteng sa bansa.

Pinakikilos agad ni Revilla ang ahensya na i-deploy ang mga tauhan para linisin ang mga nagkalat na debris, basura at mga tumumbang punongkahoy.

Tinukoy ng senador na ito ang dapat na gawin agad ng DPWH lalo kung mapabayaan ay magiging sanhi ito ng pagbabara sa mga drainage, kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig.


Pinatatanggal din ni Revilla sa DPWH ang mga naglalakihang tarpaulin billboards na maaaring maging banta sa mga motorista at mga residente lalo’t kaakibat ng Bagyong Enteng ang malakas na hangin.

Facebook Comments