Senado at Ehekutibo, sinisikap magkaroon ng kompromiso sa isyu kaugnay sa pork importation

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, may nagaganap ngayong back channeling effort o pag-uusap sa pagitan ng Senado at Malakanyang.

Hinggil ito sa alok ng Senado na kompromiso kaugnay sa isyu ng pagbababa ng taripa sa imported pork at pagtataas sa maximum access volume o dami ng aangkating karne ng baboy ngayong taon.

Umaasa si Lacson na makakahanap ng common ground para sa posibleng “win-win” solution sa nabanggit na usapin na pinagtatalunan ng Senado at Malacanang.


Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto III sa pagsasabi na nag-uusap sila ni Finance Secretary Sonny Dominguez para sa posibleng kompromiso.

Sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, tinatrabaho nila ang posibleng compromise para maiwasang maapektuhan o mamatay ang local hog industry sa bansa.

Facebook Comments