Senado at Kamara, iimbestigahan ang nangyaring passport data loss sa DFA

Manila, Philippines – I-imbestigahan na ng Senado at Kamara ang nangyaring passport data breach sa Dept. of Foreign Affairs.

Ito ay makaraang tangayin ng passport maker firm ang lahat ng data ng mga indibiduwal na kumuha ng passport sa DFA.

Isang resolusyon ang inihain ni Sen. Koko Pimentel para ipatawag ang mga opisyal ng DFA para pagpaliwanagin hinggil sa issue na itinuturing ngayong banta sa seguridad ng publiko.


Sa gagawing pagdinig ng Senado, nais ni Pimentel na mabusisi kung ano ang laman ng kontrata sa pagitan ng DFA at kompanya gumawa ng mga passport.

Kinuwestyon ng Senador ang kawalan ng kagawaran ng back up na kopya ng mga impormasyon, gayundin na nais nitong malaman kung sino ang nasabing contractor na tumangay sa mga datos.

Habang ikinabahala naman ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang issue dahil sa banta nito para sa ipinasang National ID System.

Ayon sa kongresista, kailangang matiyak ng gobyerno na hindi mauulit ang insidente kapag kumuha na ng nasabing ID ang higit 100-milyong Pilipino.

Facebook Comments