Senado at Kamara, magpupulong sa Lunes para talakayin ang gusot sa 2019 budget

Manila, Philippines – Magpupulong sa March 25 ang Senado at Kamara para talakayin ang gusot sa 2019 proposed national budget.

Ito ay matapos bawiin ng Kamara ang kanilang bersyon ng budget na umano’y nagkaroon na ng realignments matapos ratipikahan sa bicameral committee.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairperson Senadora Loren Legarda, sisikapin nilang maresolba na ang isyu hinggil sa pambansang budget.


Facebook Comments