Manila, Philippines – Sa isinagawang Bicameral conference committee o Bicam ay nagkasundo ang Senado at Kamara na huwag nang ituloy ang pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government o PCGG at sa Office of Government Corporate Counsel o OGCC.
Ayon kay Senator Richard Gordon, ito ay dahil nagagampanan pa rin ng PCGG at OGCC ang kanilang mga trabaho.
Sa katunayan, ayon kay Gordon, umabot na sa 171-billion pesos ang halaga ng yaman na nabawi ng gobyerno at target itong madagdagan pa ng 40-billion pesos hanggang 2020.
Kaugnay nito ay napagkasunduan din na palakasin pa ang Office of the Solicitor General (OSG) sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng 15-taong fixed term, pagkakaloob ng maayos na sweldo, benepisyo at retirement package.
Facebook Comments