Senado at PAOCC, magsasagawa ng ocular inspection ngayong umaga sa Lucky South 99

Photo: Radyoman Conde Batac

Nagsasagawa ng inspeksyon ngayong umaga si Senator Sherwin Gatchalian sa loob ng Lucky South 99 Outsourcing Incorporated sa Porac, Pampanga.

Kasama ng senador sa gagawing ocular inspection sa iligal na POGO ang mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pangunguna ni Usec. Gilbert Cruz.

Nais alamin ng senador ang lawak ng krimen na kinasangkutan ng nasabing POGO kung saan iba’t ibang krimen ng cyber-fraud, human-trafficking, torture at prostitution ang natuklasang ginagawa sa Lucky South 99.


Sa June 25, Miyerkules, ay kasama na sa iimbestigahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang Lucky South 99.

Ipagpapatuloy din sa nasabing araw ang pagsisiyasat ng mataas na kapulungan sa POGO hub sa Bamban, Tarlac at ang pagkakasangkot dito ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Facebook Comments