Senado, balik-session na ngayong araw

Balik-session na ngayon ang Senado at iyan ay hanggang June 3.

Sa session ngayon ay unang pinagtibay ang resolusyon para sa pag-convene ng Senado at House of Representatives bukas bilang National Board of Canvassers na magsasagawa ng canvassing sa boto at magoproklama ng nanalong Pangulo at Ikawalang Pangulo sa katatapos na eleksyon.

Bukod dito ay may panukala rin ang ihahabol ng Senado na maipasa sa third and final reading.


Kabilang dito ang panukalang magpapalakas sa Office of the Government Corporate Counsel gayundin ang panukala para sa permanenteng validity ng birth, death at marriage certificates.

Target din ng Senado na maipasa sa final reading ang panukalang Provincial Science and Technology Office, gayundin ang panukalang Creative Industries Charter of the Philippines.

Kasama ring ipapasa ng Senado ang panukalang Private Security Services Industry Act at ang panukalang Parent Effectiveness Service Program Act.

Facebook Comments