Senado, balik-trabaho na; ilang ahensya, sasalang na sa ikalawang linggo ng pagtalakay ng 2023 budget

Balik trabaho na ang Senado ngayong araw matapos magkansela kahapon ng pasok dahil sa Super Typhoon Karding.

Ngayong araw ay sasalang para sa pagdinig sa 2023 budget ang Commission on Audit (COA), Office of the Ombudsman at Department of National Defense (DND).

Ipagpapatuloy rin sa sesyon sa plenaryo ang panukalang Mandatory SIM Registration at pagpapaliban sa Barangay at SK elections.


Ang mga hindi naman natuloy na budget hearings kahapon ay inaabangan pa kung kailan itatakda ang schedule ng pagdinig.

Kabilang sa mga napurnada ang budget hearings ang National Economic Development Authority (NEDA), Commission on Higher Education (CHED), Department of Transportation (DOTr) at State Universities and Colleges (SUCs).

Facebook Comments