Senado, bubuo ng endowment fund para sa mga indigent cancer patients na ipapangalan kay Sec. Toots Ople

Pangungunahan ng Senado ang paglalagay ng endowment fund para sa pagpapagamot ng mga mahihirap na pasyenteng may cancer.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang Cancer Endowment Fund ay ipapangalan sa yumaong si Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople.

Aniya, ito umano ang pangarap ng Kalihim na dahil sa kanyang karanasan at batid niyang napakamahal ng bayarin para sa cancer treatment ay nais niyang matulungan ang mga indigent patient.


Sinabi ni Zubiri na iyon lamang ay hindi na ito naabutan ni Sec. Toots dahil sa kanyang biglang pagpanaw kaya naman nagdesisyon na ang Mataas na Kapulungan na pangunahan na ang inisyatibong ito.

Maging ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay pumayag din sa paglikha ng endowment fund kaya inaasahan nilang malaki-laki ang makokolektang pondo para sa mga mahihirap na cancer patients.

Inaasahang aabot sa P100 million ang inisyal na pondong malilikom para sa cancer endowment fund.

Uumpisahan na itong talakayin ni Zubiri kay Finance Committee Chairman Sonny Angara at nakatitiyak ang senador na buo ang suportang ibibigay dito ng mga kasamahang senador.

Facebook Comments