Senado, bukas sa pakikipag-usap kay Pangulong Duterte upang ikonsidera ang EO No. 128

Bukas ang Senado sa pakikipagnegosasyon sa Malakanyang upang makumbinse si Pangulong Rodrigo Duterte na muling ikonsidera ang inilabas nitong Executive Order No. 128.

Ito ay ang pag-aatas na itaas ang Minimum Access Volume (MAV) at ibaba ang taripa ng imported na karneng baboy.

Ayon kay Senate Minority Leader Juan Miguel Zubiri, willing ang kanilang hanay na makipag-usap kay Pangulong Duterte upang maresolba ang isyu.


Malaki kasi aniya ang tiyansa na magbago ang desisyon ng Pangulo kung makikita nito ang buong inihandang plano ng Senado.

Matatandaang una nang umapela si Zubiri kay Pangulong Duterte kasama ang 20 pang senador na ikonsidera ang EO No. 128 dahil malaking pera ang mawawala sa gobyerno.

Habang kung hindi naman mapagbibigyan ang kanilang hiling sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senate President Vicente Sotto III na maghahain sila ng resolusyon upang mapawalang-bisa ang kautusan.

Facebook Comments