Senado, bumuo na ng special committee na tututok sa rehabilitasyon ng Marawi City

Manila, Philippines – Bumuo na ang Senado ng special committee para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Base resolution number 457 at 428 na inihain nila Senate President Aquilino Pimentel III at Senator Joseph Victor Ejercito.
Pangungunahan ng ad hoc committee ang lahat ng may kinalaman sa muling pagbangon ng Marawi City sa Lanao del Sur.

Pamumunuan ang komite ni Sen. Gringo Honasan habang miyembro sina Sen. Ejercito, Grace Poe, Bam Aquino at Panfilo Lacson.


Magsusumite din ang panel sa Senado ng report at rekomendasyon.

Nitong, hunyo, ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrative order no. 3 na nagbuo sa inter-agency task force para sa recovery, reconstruction at rehabilitation ng Marawi City o ang “Task Force Bangon Marawi”.

Facebook Comments