Senado, dapat magbigay na ng posisyon sa isyu sa mga POGO

Pinabubuo ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga kasamahan sa Senado ng pormal na posisyon kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Kaugnay na rin ito sa mga ulat ng mga bagong insidente ng karahasan na may kinalaman sa POGO.

Giit ni Pimentel, labis-labis na ang mga karahasang nagaganap kaugnay sa POGO at kahit anong gawing kalkulasyon ay lalabas na hindi pa rin sapat ang kinikita ng bansa laban sa hindi magagandang karanasang ibinibigay ng POGO.


Samantala, pinamamadali naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga kasamang mambabatas gayundin ang Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pag-aksyon sa mga POGO-related crime incidents.

Giit ni Villanueva, noong 18th Congress pa ay may mga krimeng naitatala sa POGO tulad ng prostitusyon at money laundering.

Panahon na aniya para kumilos ang lahat upang matuldukan ang mga ganitong insidente.

Facebook Comments