Manila, Philippines – Maari ng isapubliko ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang naging testimonya ni John Paul Solano sa isang executive session.
Ito ang nakapaloob sa senate resolusyon number 529 na pinirmahan ng halos lahat ng mga senador.
Si Solano, na miyembro ng Aegis Juris Fraternity, ay nagbigay ng mga impormasyon sa isinagawang executive session kaugnay sa hazing at pagpatay sa freshman ust law student na si Horacio Castillo III.
Ang pasya ng Senado ay dahil sa kabiguan ni solano na magsumite ng sworn affidavit kahit pa naisagawa na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa kaso.
Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, bibigyan nila hanggang sa Lunes si Solano para magisyu ng sworn affidavit at kung hindi ay ilalabas na ng naturang komite ang mga isiniwalat ni Solano sa executive session.