Handa si Health Committee Chairman Senator Christopher Bong Go, na silipin ang kahandaan ng gobyerno sa pagtugon sa tumataas na kaso ng mga respiratory diseases sa bansa tulad ng influenza at pneumonia.
Kasunod ito ng inihaing resolusyon ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung saan pinapaimbestigahan ang kahandaan ng ating gobyerno at ang health care system ng bansa sa pag-detect ng mga bagong uri ng respiratory illnesses.
Pabor si Go sa imbestigasyon upang hindi kumalat ang sakit at hindi na maapektuhan ang ating mga kababayan.
Hiniling din ng senador ang kahandaan ng Department of Health (DOH) sa napapabalitang pagtaas ng mga kaso ng respiratory illnesses.
Kasabay nito ay nagpaalala si Go sa mga kababayan lalo na sa ating mga matatanda at mga may karamdaman na patuloy na mag-ingat at ugaliing magsuot ng face mask.
Binigyang-diin ng mambabatas na ang lahat ay maaari pa ring magkasakit ng COVID-19 at mahawa ng bagong bacterial infection na tinatawag na “walking pneumonia”.