Senado, handang imbestigahan ang PCSO at mga kontrobersya sa DOH

Bilang Chairman ng Committee on Health ay bukas si Senator Bong Go sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa umanoy korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO gayundin sa kontrobersya sa Department Of Health laban kay Secretary Francisco Duque.

 

Diin ni Go, para sa kapakanan ng mamamayang pilipino ay handa syang magsagawa ng pagdinig para matukoy at napanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa nabanggit na mga ahensya.

 

Pahayag ito ni Go makaraang suspendehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng PCSO.


 

Sa DOH, ay ibinunyag naman ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagkopo ng pamilya ni Duque sa milyun milyong pisong halaga ng mga kontrata.

 

Ayon kay Go, ang naging aksyon ni Pangulong Duterte sa PCSO ay tugon sa sumbong ni PCSO General Manager Royina Garma ukol sa nangyayaring katiwalian sa ahensya.

 

Dagdag pa ni Go, hinikayat din siya ng pangulo na kumilos sa senado kapag may nabatid syang nangyayaring graft and corruption sa alinmang tanggapan ng pamahalaan.

Facebook Comments