Senado, handang magsagawa ng special session kung hihilingin ng pangulo

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na agad niyang iko-convene ang special session sakaling hilingin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, bahagi ito ng kanilang tungkulin na kailangang tuparin kahit na abala ang marami sa kanila sa pangangampanya para sa 2022 elections.

Suportado rin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panawagang special session sa harap ng patuloy na nagtataasang presyo lalo na ang halaga ng langis at nakatakdang pagtaas din sa presyo ng kuryente.


Sabi ni Recto, sa special session ay matatalakay rin ang pagkakaloob ng ayuda sa mga sektor na lubhang apektado ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Una rito, ay nananawagan ang ilang kongresista sa pangulo na magpatawag ng special session para sa deklarasyon ng state of economic emergency para matugunan ang nagbabadyang fuel crisis.

Facebook Comments