Bukas si Senador Sonny Angara na talakayin ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 3 na tutugon sa seguridad ng ekonomiya, kalusugan at kaligtasan ng mga pilipino laban sa sakit at mga sakuna.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Angara na siya ring Chairperson ng Senate Committee on Finance na sa oras na maipasa ng Kamara at mapunta sa Senado ang Bayanihan 3 ay handa silang talakayin at umpisahan ang proseso ng konsultasyon nito.
Sinabi rin ni Angara na kasabay ng pagtalakay ng Senado sa Bayanihan 3 ay hihingi rin sila ng audit ng ginastos naman sa Bayanihan 1 at 2.
Ang 405.6 billion pesos na Bayanihan 3 relief package ay nakatakdang iakyat ng Kamara para sa plenary debate matapos na maipasa sa House Committee on Appropriations noong nakaraang Biyernes, May 21.