Senado, hinamon ng kamara na maaga ring ipasa ang 2020 panukalang pambansang budget

Hinahamon ngayon ni Albay Representative at House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Senado na ipasa ang proposed P4.1 trillion 2020 national budget na walang insertions.

Sa Economic briefing sa Malakanyang, muling iginiit ni Salceda na walang binago sa pambansang pondo sa kongreso ni katiting na sentimo.

Sinabi pa nito na “on track” ang House of Representatives sa pagpasa ng propesed national budget upang hindi na muling ma-apektuhan ang trabaho o function ng pamahalaan dahil sa na-antalang budge


Tiwala rin si Salceda na sa Biyernes, September 20 ay matatapos na ang lahat ng budget deliberations para sa 3rd & final reading.

August 20 kasi nang ipasa ng ehekutibo sa kongreso ang P4.1 trillion proposed 2020 national budget.

Ito aniya ay maituturing na makasaysayan, dahil ito ang pinakamaagang panahon na maipapasa ng kamara ang panukalang pambansang budget.

Ayon pa kay Salceda, patunay lamang ito na gumagana ang super coalition sa kamara at maganda ang working relationships ng mga lider sa kongreso.

Matatandaang ilang buwang na-antala ang pagpapasa sa 2019 national budget dahilan upang bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang bahagi ng taon.

Facebook Comments