Senado, hinamong i-itemized ang kanilang amendments sa 2019 budget

Manila, Philippines – Hinamon ni COOP NATCCO Partylist Representative Anthony Bravo si Senator Panfilo Lacson na i-itemize na ang P190 nillion insertion ng Senado sa 2019 budget.

Nagtataka si Bravo na kapag sa Kamara galing ang amyenda sa pambansang pondo ay tinatawag ito ng mga senador na ‘pork barrel’ pero kapag sa Senado galing ang amendments ay tinatawag itong institutional amendment.

Maliban dito, takot din ang Senado na i-itemize ang kanilang amendments dahil makikita ng publiko ang bilyong piso na isiningit ng mga senador.


Duda din si Bravo kung bakit kailangan ng Senado ng budget gayong wala namang distrito ang mga ito gaya ng mga kongresista.

Dagdag pa ni Bravo ito ang dahilan kaya din masigasig ang Kamara na itulak ang ‘live coverage’ sa bicameral conference committee.

Matatandaan na noong ikalawang araw ng bicam ay pinangalanan ni Senate Committee on Finance Chair Senator Loren Legarda si Lacson na mayroong halos P50 bilyon “institutional amendments”.

Facebook Comments