Senado, hindi dapat maging atat na maibasura ang impeachment case ni VP Duterte

Binigyang-din ni Act Teachers Partylust Rep. Antonio Tinio na huwag sanang atat na atat ang Senado para ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni Tinio sa harap ng posibilidad na pagbotohan ngayong araw ng Senado ang pagbasura sa impeachment case laban sa bise presidente.

Panawagan ni Tinio sa Senado, irespeto ang Motion for Reconsideraton (MR) na inihain ng Kamara at iba pang grupo na humihiling sa Supreme Court (SC) na baligtarin ang una nitong pasya na ideklarang labag sa konstitusyon ang Articles of Impeachment kay VP Sara.

Dagdag ni Tinio, ilang buwan na inupuan ng Senado ang pagsasagawa ng impeachment trial kay VP sara kahit utos ng saligang batas na gawin ito “forthwith” o agad agad kaya hindi makatarungan na ngayon ay minamadali nilang ma-dismiss ang impeachment case.

Facebook Comments