Senado, hindi dapat pinanghihimasukan ang isyung panseguridad ng Pangulo – Malacañang

Sa halip na panghimasukan, iginiit ng Malakanyang na dapat igalang ng Senado ang isyung panseguridad na ibinibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng nakatakdang imbestigasyon ng Senado sa Presidential Security Group (PSG) dahil sa paggamit umano ng smuggled na bakuna kontra COVID-19 kahit na wala pang inaaprubahan ang Food and Drugs Administration (FDA)

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagtataka siya kung bakit pakikialaman ng ilang senador ang Ehekutibo gayong hindi naman pinapakialaman ni Pangulong Duterte ang seguridad ng Senado.


Aniya, para sa kaligtasan ng Pangulo ang naging desisyon ng PSG kaya dapat igalang ito.

“Hindi ko po alam, pero hindi ko po maintindihan kung bakit paghihimasukan ng Senado ang co-equal branch of government, ang seguridad ng ating Presidente, eh gayong hindi naman pinanghihimasukan ng Presidente ang seguridad ng Senado? So, siguro po, mutual respect for co-equal branches of government.” Ani Roque

Giit pa ni Roque, walang nilabag na batas ang PSG sa kanilang pagpapabakuna dahil walang nagbenta at namahagi sa kanila ng vaccine.

Facebook Comments