Senado, hindi daragdagan ang pondo ng PhilHealth sa 2025

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na hindi daragdagan ng Senado ang pondo ng government subsidy sa PhilHealth.

Isa ang PhilHealth sa nakatakdang kwestyunin ng mga senador sa plenaryo matapos ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

Ginagarantiya ni Escudero na hinding-hindi daragdagan ng Senado ang subsidiya ng gobyerno sa mga programa ng PhilHealth dahil sa dami ng pera ng state health insurer.


Iginiit pa ng senador na makapal ang mukha kapag hihingi ng mas malaking pondo sa susunod na taon subalit hindi naman nagagalaw o nauubos sa kasalukuyang taon.

Dagdag pa ni Escudero, ilan lamang ito sa mga dapat na linawin ng PhilHealth sa budget deliberation dahil kung bibigyan ng Kongreso ng dagdag na pondo ang ahensya at hindi naman gagamitin ay tiyak na talo ang mga miyembro lalo tuwing may inflation.

Facebook Comments