Senado, hindi irerekomenda ang pag-i-invest ng MIF sa stock market

Hindi irerekomenda ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang paglalagak ng pondo ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa stock market at iba pang hindi siguradong investments.

Sinabi ni Zubiri na ngayong ganap na batas na ang MIF ay ‘excited’ aniya si Pangulong Bongbong Marcos na gumawa ng priority list ng mga proyekto para sa MIF.

Para sa senador, dapat na iwasan ng gobyerno na ilagak ang MIF sa stock market dahil unstable o hindi ito matatag sa ngayon.


Lalong-lalo aniya na hindi dapat ipuhunan ang MIF sa mga paluging korporasyon at sa mga startup companies na hindi naman nakatitiyak sa ‘return of investment’.

Ayon pa sa senador, pinakaligtas na mamuhunan ang MIF sa public infrastructure projects na sigurado ang balik ng puhunan tulad ng mga toll at blue chip companies.

Paalala ni Zubiri na may oversight function ang Kongreso sa MIF para matiyak na tama ang gagawin ng mga itatalagang mangangasiwa sa pondo.

Facebook Comments