Handa ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso na ibigay ang transcript ng pagdinig ng Senado tungkol sa War on Drugs ng dating Duterte administration.
Ito ang naging tanong kay Senate President Francis Escudero sakaling may humingi ng kopya ng transcript ng pagdinig ng Senado at isumite ito sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Escudero, hindi mag-aatubili ang Senado na magbigay ng kopya ng transcript ng idinaos na pagdinig sa drug war na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, kung may mag-request kopya at valid naman ang rason ay handa siyang magbigay ng certified na kopya ng transcript ng imbestigasyon.
Gayunman, hindi naman aniya nila ito basta-basta ibibigay kung kanino nang walang dahilan o malinaw na rason.
Facebook Comments