Senado, hindi pa rin handa sa death penalty bill ayon sa Kamara

Manila, Philippines – Hindi pa rin handa ang Senado para sa death penalty bill.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ito ang dahilan kung bakit hindi naisasama sa prayoridad ng legislative agenda ang panukala para sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Maliban sa dahilan na ito, naipasa na rin ang death penalty bill sa Kamara kaya hindi na rin inirekunsidera na isama ito sa priority bills.


Inamin naman ni House Minority Leader Danilo Suarez na sa ginawa ng legislative meeting kahapon ay may ilang isyu at panukala ang hindi sila napagkasunduan ng Senado pero hindi na into tinukoy kung anu-ano ang mga usapin na ito.

Hihintayin na lamang ang Legislative Executive Development Advisory Council meeting kung saan kasama na ang ehekutibo sa paglalatag ng mga dapat na maipasang panukalang batas.

Nasa 35 panukala ang napagkasunduan naman ng Kamara at Senado na ipasa sa 1st quarter ng 2nd regular session.

Kasama na dito ang Endo, Salary Standardization Law, Anti-Terrorism Bill at Tax Reform Bill na planong aprubahan bago matapos ang taon.

Facebook Comments