Senado, ibinunyag ang pagbayad daw ng 1.8-million pesos ng Dargani siblings sa chartered flight para sa kanilang tangkang pagtakas

1828

Ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros ang pagbayad daw ng chartered flight sa halagang P1.850 million ng magkapatid at mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na sina Mohit at Twinkle Dargani sa kanilang tangkang pagtakas patungong Malaysia.

Ayon sa senadora, noong Nov. 14 sana lalabas ng bansa ang magkapatid na Dargani sa kabila ng arrest order ng Senado laban sa kanila.

Sinabi ni Hontiveros na blangko pa sila hinggil sa kung sino ang nagbayad sa chartered flight.


Nagprisinta rin si Hontiveros ng confidential contract na nagsasaad ng halaga ng flight at ng incident report ng pagkakahuli sa magkapatid

Ang magkapatid na Dargani ay nahuli sa Davao Airport noong November 14, habang nagtatangka raw ang mga itong tumakas via chartered flight patungong Malaysia.

Facebook Comments