Senado, iginagalang ang desisyon ng Kamara na alisin ang confidential funds ng ilang ahensya ng gobyerno

Iginagalang ni Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara ang pag-alis ng Kamara sa confidential funds ng ilang mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Angara na hindi siya makakapagkomento sa naging hakbang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang sila ay co-equal branch.

Gayunman, tatalakayin nila ang bagay na ito sa plenaryo pagdating sa period of amendments ng pambansang budget sa 2024.


Hindi pa masabi ni Angara kung ano ang pulso ng mga kapwa senador pagdating sa pagbibigay ng confidential funds sa mga civilian government agencies dahil iba-iba pa ang posisyon na kanyang naririnig sa mga kasamahang senador.

Bukod dito, kailangan pa nilang pag-usapan ang pagbibigay ng confidential at intelligence fund sa kada ahensya.

Aabot aniya sa 20 ahensya ng gobyerno ang may CIF na nakapaloob sa 2024 national expenditure program (NEP) at hihimayin pa nila ng husto kung alin sa mga departamento ang entitled na magkaroon ng confidential at intel funds.

Facebook Comments