Senado, iimbestigahan na ngayong araw ang pagpaslang ng PNP-Navotas kay Jemboy Baltazar at ang pagmamalupit sa kasambahay na si Elvie Vergara

Iimbestigahan na ngayong araw ng Senado ang kaso ng 17 anyos na si Jemboy Baltazar na namatay sa kamay ng mga pulis dahil sa mistaken identity.

Ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang magsasagawa ng imbestigasyon sa ginawang pagpaslang ng anim na pulis Navotas sa menor de edad.

Aalamin sa imbestigasyon kung nagkaroon ng sobrang paggamit ng lethal force sa panig ng mga awtoridad na nauwi sa pagkamatay ni Jemboy gayundin ay aalamin ang mga batas na sumasaklaw sa accountability at criminal liability ng mga sangkot na police officers.


Dagdag din sa iimbestigahan ngayong araw ng Senado ang ginawang pagmamaltrato sa kasambahay na Elvie Vergara ng kanyang mga amo sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ang magsasagawa ng pagsisiyasat sa sinapit ng kawawang kasambahay na nabulag na dahil sa ilang taon na pang-aabuso ng kanyang mga amo.

Naunang nagpaabot ng tulong pinansyal at legal ang opisina ni Tolentino para sa biktimang kasambahay.

Facebook Comments