Senado, iimbestigahan na ngayong umaga ang mga flood control project; 15 na contractors, inaasahang haharap sa pagdinig

Uumpisahan na ngayong araw ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Rodante Marcoleta ang motu proprio hearing hinggil sa pagbaha at mga guni-guning flood control projects.

Ang imbestigasyon ng Senado ay bilang tugon na rin sa pagtuligsa at pagtukoy ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga kontratista na nakakopo ng halos 20% ng kabuuang budget ng pamahalaan para sa flood control.

Dahil dito, kasama sa pinahaharap sa imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan ang 15 contractors na tinukoy ni PBBM.

Matatandaang muling naungkat ang problema sa mga substandard at ghost flood control projects matapos na malubog sa baha ang maraming lugar sa bansa dahil sa sunod-sunod na bagyo at habagat.

Haharap din ngayong umaga ang mga opisyal at tauhan ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang pangunahing makukwestyon din sa mga kwestyunableng flood control projects.

Facebook Comments