Senado, ikakasa na ang imbestigasyon kay Pastor Quiboloy bago magbukas ang sesyon sa Nobyembre

Itinakda na ng Senado ang pagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa mga kaso ng pang-aabuso ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga kababaihan at kabataan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, humingi na ng permiso sa kanya si Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na gamitin ang plenaryo para sa imbestigasyon sa mga reklamo at kasong kinakaharap ni Quiboloy.

Hindi naman binanggit ni Escudero kung kailan isasagawa ang pagdinig pero malamang aniya ay itatakda ito bago ang resumption o muling pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre 4.


Samantala, hindi naman kontra ang senate president pagdating sa usapin ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ni Quiboloy para tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Paliwanag ni Escudero, karapatan ni Quiboloy na maghain ng kanyang kandidatura dahil hindi pa naman convicted at wala pang final judgment sa mga kasong kinakaharap ng pastor para madiskwalipika ito sa pagtakbo sa halalan.

Facebook Comments