Senado, inaasahan ang lalo pang pagsigla ng relasyon ng Pilipinas at Espanya

Umaasa ang Senado sa mas lalo pang pagsigla ng relasyon ng Pilipinas at Espanya matapos ang pagkikita ng delegasyon ng Senado ng Pilipinas sa hari ng Espanya na si King Felipe VI.

Nitong Lunes ay nagtungo sa nasabing bansa ang walong mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa kanilang official parliamentary visit sa Senado ng Espanya.

Nagkaroon din ng pribadong pagpupulong ang mga senador kay King Felipe VI sa Palacio de la Zarzuela sa Madrid kung saan napagusapan naman ang pagpapalakas ng pagkakaibigan at partnership sa pagitan ng dalawang bansa.


Partikular na tinalakay ng Pilipinas at Spain ang pagpapalakas sa trade and industry, seguridad at pandepensa at people-to-people exchanges.

Ayon kay Zubiri, ang naturang pulong ay inaasahang hudyat ng panibagong milestone para sa malalim at matatag na ugnayan ng Pilipinas at Espanya.

Facebook Comments