Senado, inaasahang papasok sa isyu ng Manila Water at Maynilad

Manila, Philippines – Posibleng magsagawa ng Senate inquiry hinggil sa kontrata ng Manila Water at Maynilad sa gobyerno.

Ito ang sinabi ni Senator Francis Tolentino, isa sa mga author ng Department of Water, sa panayam nito sa Kapihan sa Manila Bay.

Ayon kay Tolentino – magsasagawa siya ng privilege speech sa darating na Lunes December 9, 2019 patungkol sa isyu ng tubig sa bansa.


Malaki aniya ang tsansa na ito ay mauwi sa imbestigasyon ng naturang mga kontrata dalawang water concessionaires.

Sinabi pa ni Tolentino na pag-aaralan niya ang legal basis ng mga kontrata kapag natapos na ang kaniyang obligasyon sa SEA Games dahil siya ang tumatayong presidente ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas.

Matatandaan na una nang naging isyu ang kontrata ng Manila Water at Maynilad matapos magbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan niya ng economic sabotage ang dalawang water concessionaires dahil sa hindi makaturangang kontrata ng mga ito.

Facebook Comments