Senado, ipinagmamalaki ang pagiging episyente sa taong 2022

Ibinida ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagiging episyente at produktibo ng Senado ngayong 2022.

Ipinunto ni Zubiri na mula nang magbukas ang 19th Congress nitong Hulyo ay nailatag na nila ang pundasyon para sa mga magiging trabaho ng Mataas na Kapulungan tungo sa layuning suportahan ang bansa sa pagbangon mula sa pandemya.

Ipinagmalaki rin ng Senate leader ang maayos nilang working relationship sa Kamara at sa Ehekutibo na nagresulta sa mabilis na pag aapruba ng 2023 general Appropriations Act o ang national budget.


Umaasa si Zubiri na dahil sa magandang ugnayan ng mga sangay ng pamahalaan ay mababawasan ang mga ma-ve-veto na panukalang batas.

Dagdag pa sa ibinida ni Zubiri ay napanatili ng Senado ang independence sa pagkakaroon ng check and balance efforts gaya ng pagbuo ng Senate Oversight Committee for Confidential and Intelligence Funds.

Nangako naman ang Senate President na sa pagpasok ng bagong taon ay mananatili silang isang Senado na nakatuon sa national reconstruction.

Facebook Comments