Senado, ipinagpatuloy ang imbestigasyon sa sinasabing kulto ng Socorro Bayanihan Services Inc.

Ipinagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon sa sinasabing kulto na Socorro Bayanihan Services Inc., o SBSI sa Socorro, Surigao del Norte.

Sa pagdinig, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na mahigit 200 na mga bagong panganak hanggang 4 na buwan na sanggol ang namatay sa Sitio Kapihan.

Ayon kay Hontiveros, nakakabahala ito dahil kung hindi man pinatay nang sadya ang mga bata, maaaring ang mga ito ay pinatay sa kapabayaan.


Ibinunyag din ng senior citizen na si alyas “Manong Pedrito” na siya ay pinahirapan naman o tinorture ng mga tauhan ni dating Socorro Mayor Mamerto Galanida dahil nagkasala raw siya sa Diyos.

Aniya, pinarada siya ng 30 armadong mga lalaki bago siya pinakawalan.

Samantala, kinumpirma rin sa pagdinig ni Socorro, Surigao del Norte Mayor Riza Rafonselle Taruc-Timcang na ang kultong Socorro ay walang permit sa pagtayo ng sementeryo.

Inihayag naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang nasabing kulto ay hindi pinahihintulutan na magtayo ng sementeryo sa kanilang komunidad dahil ito ay protected area.

Facebook Comments